Wednesday, October 26, 2011

tula para kay HESUS

"PILIPINO KABA TALAGA?"
alay sa mga nagbuwis ng buhay para sa bayan maging sa ipinaglalaban

Isang magandang paggising sa aki'y sumalubong,
Pagmamasid sa paligid tangan ng aking mata,
Pagdaka'y pagsalubong sa aking tagalikha,
Pag-anyaya sa aking tagapagligtas.

Sa isang banda ay ang mata ay natuon,
Ang puso ay nakuha,
Ang buong pagkatao ay nalumbay,
Sa mga samot-saring aking nabalita.

Aking nakita aking narinig aking nadama,
Puso ay nagkaron ng pangamba,
Halo-halong balita patungkol sa mga bagay,
Patungkol sa mga karanasang nakakikilabot.

Isang pagtanaw sa mga bagay na nauukol,
At sa mga bagay na di' ukol,
Ganito naba ang pilipinas?,
Totoo nga ba na pilipino ka?.

Perlas ng Silanganan,
Hangad ay kayamanan at kapangyarihan,
Lupang hinirang,
Pero bawat bayan nag aangkinan.

Isang bansa na nilikha ng diyos,
Ipinaglaban ng mga bayani,
Itinatag ng Sibilisasyon,
Pinalawig ng Administrasyon.

Sabi nila tayoy iisang lahi,
Bakit kapuwa pilipino nagpapatayan?
Iisang bansa na may demokrasya,
Bakit ara-araw puro krimen at walang kalayaan?.

Nasan ang batas para sa mga mahihirap?
Nasaan baga ang kahilingan ng dukha?,
Ipakita nawa ang paghusga na nasa katuwiran,
Ayon sa paningin ng tao at ng lumikha.

Minsan ayoko ng magbukas ng telebisyon,
O makinig ng radyo,
Ni mag internet,
Tanong sa sarili may nagbago ba pinoy?.

Ilang sundalo na ang nalagas,
Maraming rebelde na ang nawala,
Halos maging laban sa Gobyerno,
Tuluyan ng Nabura.

Sino ba ang Sundalo?,
Sino ba ang Rebelde?,
Sino ba ang laban sa Gobyerno?,
Diba't tayoy puro Pilipino.

May kanya-kanyang hangarin,
May kanya-kanyang ipinaglalaban,
Na tila wari koy wala ng katapusan,
Negosasyong pangkapayapaan ay waring hindi solusyon.

Maging sa krimen at pang aabuso,
At pagpatay sa mga walang muwang,
Pang aabuso at pagkitil ng buhay,
Nasaan na ang iyong puso?.

Nasaan ang iyong dugong pagka pilipino,
Iisang lahi baga na puro karahasan,
Puro dalamhati at
pagkamuwi,
Nasan ang iyong puso Pilipino?.


Isang buhay na bigay ng maykapal,
Ganun na lamang ba kung iyong saktan?,
Kung iyong patayin,
Kung iyong pagmalupitan.


Ikaw ba ay may konsensya pa?,
Nasaan ang iyong kaluluwa?,
Tinakpan na ba ng iyong ipinaglalaban?,
Pati mga inosenteng tao ay nadadamay.


Bakit kailangan pang may masaktan?,
Pisikal, mental, emosyonal,
Maulila sa pamilya,
Mawalan ng anak, ama, ina at kapatid isang miyembro ng pamilya.

Isang masakit na pangyayari ang pagkawala,
Araw na tila bangungot sa kinagabihan,
Masakit na araw sa mga nawalan ng minamahal,
Pagguho at pagbagsak ng mga pangarap.


Mga napatay, nalagas,
Nawala sa mundong ibabaw,
Sino nga ba sila?,
Diba't pilipino silang lahat sa puso't isip maging diwa.


Mga krimen mga pang-aabuso,
Solusyon ba talaga sa tanong sa isipan?,
Pag-asa ba na kanilang natatanaw?,
O paulit-ulit lang na tila'y kung titingnan ay waring negosyo narin?.

Huwag naman sanang maging ganoon,
Ang maging pananaw at mentalidad ng
bawat pilipino,
Pananaw na makasarili,
At mentalidad na manhid sa karahasan.

Mga bala, mga kanyon,
Mga dekalibreng baril at bakal na kamay,
Hindi bat' lahat ng itoy malaki ang halaga?,
Mga pondo na dapat ay sa tamang paglaan nagagamit.

Mga kusing, mga halaga,
Na dapat nagagamit ng maayos,
Sa mga kalsada, edukasyon, trabaho,
At lalu na sa ibat-ibang uri para maging sagot.

Hindi ba pwedeng maging solusyon nalang tayo?
Puwede bang maging sagot na lang tayo,
Maging mabuting tao,
At maging mabuting Pilipino.

Masarap mabuhay ng payapa,
Na malayo sa ingay ng karahasan,
Malayo sa anyo ng kawalan,
Malayo sa gulo ng kanya-kanyang ipinaglalaban

Masarap makita ang pagkakaisa,
Pagkakaunawaan at pagmamahalan,
Pag-iibigan at pagtutulungan,
Pag-abot sa kamay upang handang dumamay.

Lahat ng iyong ipinaglalaban,
Alam ng dakilang lumikha,
Ang isip, salita at gawa ay batid niya,
Sapagkat ang solusyon sa lahat ng ito ay si "HESUS" ating panginoon.

Bawat pangyayari aking napagtanto,
Ang bawat pilipino ay di dapat sumapit sa ganito,
Sa lahat ng pangyayari ito lang ang alam na solusyon,
Solusyon sa tanong at ipinaglalaban ng mga pilipino.

Una sa lahat ay makilala ka "HESUS",
Tanggapin ka bilang panginoon at sariling tagapagligtas,
Idulog na higit ang pagpapatawad sa lahat-lahat ng mga kasalanan na nagawa,
Diyan magsisimula ang bagong pilipinas.

Ang tunay na pagbabago at solusyon ay si "HESUS",
Magsisimula sa isip,
Maririnig mula sa iyong salita,
At makikita sa gawa ng bawat Pilipino.

Ngayong kasama na si "HESUS",
Iyo at aking Panginoon,
Sundalo, Rebelde, laban sa gobyerno,
Sambayanang pilipino nakamit na ang pag-asa.

Nariyan na at nakamtan na,
Ang bagong pilipinas,
Individual na sa diyos umaasa,
Bawat kanyang nilikha laging nagmamahalan.

Ito ang tunay na pagbabago,
Ikaw "HESUS" ang tunay na solusyon,
Ikaw ang sagot sa bawat dasal,
Na makita ang bagong pilipinas.

Narito ang tunay na simula,
Bawat tao nakita ng may pagkaunawa,
Nadama na mayroon ng pagmamahal sa bawat isa,
Nagkaroon ng pagkilala sa isang dakilang diyos ama.

Masasabi ngang pilipino ka nga talaga,
Inuuna ang pagmamahal sa diyos,
kabalikat malasakit sa bansa,
Pagmamahalan, Pagkakaunawaan, Pagtutulungan, Pagbibigayan at Pagkakaisa  sa isip ... Sa salita... At sa gawa...


Original Author: derfliw nevets

2 comments:

  1. d ko kinaya un ahh :))
    galing :)) makata? haha... daig mu pa ko!

    ReplyDelete
  2. mas magaling ka kaya saken. Mas level up kumbaga, jeje Thanks for visiting my simple blog, padaanin mo naman mga classmates mo dito. Godbless.

    ReplyDelete