Tuesday, November 8, 2011

Umpisa na ng Pagpapala

"Umpisa na ng Pagpapala"
botelya ng luha

Malayo narin ang paglalakbay,
patungo sa mga dako paroon,
maging ibat-ibang uri ng buhay,
sa pakikipagsapalaran laging tangan.

Magandang umaga ay dumampi,
isang pagbagsak ang tangi,
taglay mga pagtitiis,
dusa ang syang kawangis.

Paghahanap ng makakain,
para sa buhay at pamilya ipakain,
mga butil ng pagpapagal,
minsan talagay may sagabal.

Mga kanya-kanyang binabaka,
suliranin hindi masolusyunan,
malayong pagktakbo ang tangan,
sa pagkadapa hindi maalalayan.

Dilim ng gabi,
bangungot ng buhay,
hampas sa isip,
di maiwaksi maging sa panaginip.

Maraming bagay di maintindihan,
patungkol sa aking kinabukasan,
hindi matanaw ang liwanag,
mga susi sa magandang buhay.

Magandang kinabukasan,
mga pagpapalang wagas,
kukunin bang may dahas,
hindi matanaw ang bukas.

Bagong umaga,
ayaw ng gumising pa,
paulit-ulit ginagawa,
huwag ng tingnan pa.

Pagbayo ng kahirapan,
sakit ng mamamayan,
hindi na ata masolusyunan,
laan na talaga sa kandungan.

Mga problemang naganap,
naipon sa isip,
masasamang naganap,
panget na pangyayari nalanghap.

Batid ng puso,
umasa sa pangako,
na magandang buhay,
magninilay-nilay pagdakay natangay.

Mga bagay na nais makamtan,
tuluyan ng naparam,
nais at mithiin,
hindi naba kayang likhain.

Patuloy akong naglakad,
nakatingin sa paligid,
patuloy sa pagtakbo,
humihingi ng saklolo.

Isang inspirasyon aking pamilya,
upang magpatuloy,
ako bay susuko na?,
damhin pagbagsak ng pagkatao.

Obra maestra ng buhay,
saan nga ba ang daloy?,
bawat sulok at anggulo,
kung tingnan koy anung gulo.

Ayon sa aking paniwala,
sa aking mentalidad,
dito na lang ba ang buhay?,
puro kahirapan at kawalan nalang.

Hindi makapaniwala,
ganito mga pangyayari,
mga inaasahang buhay na maganda,
naging kapalaran na wala.

Naging walang kabuluhan,
maging aking pananaw,
mga pagpaplano,
hindi sumang-ayon itong mundo.

Magandang buhay aking hiling,
maging dalangin iparating,
ngunit bakit ayaw dinggin,
pagsusumamo at aking hinaing.

Mga oras ng pagluha,
panyo na basa,
pamunas sa hirap,
simbolo ng munting pangarap.

Ayaw mo ba talaga iparanas,
buhay na maaliwalas,
naway ipagkaloob,
kalooban koy maging moog.

Nais ko lang naman,
magandang buhay makamtan,
sapagkat ako ay sawa na,
sa hirap ay manhid na.

Paglingap mo ba ay malayo na,
mga pagpapala ay wala na,
pag-abot sa aking kamay,
sadyang talagang hiwalay na hiwalay na.

Prisensya mo hindi na maranasan,
bingi na ba sa aking alinlangan,
paulit-ulit na dasal,
laman puro nalang kasaganaan.

Hibik na aking puso,
na sa lahat ng mga ito,
ako man lang bigyang pansin,
tugunin naman aking daing.

Maraming hadlang sa aking pagsagana,
mga tabing sa pagpapala,
mga bara sa buhay,
pag-iipit na nagsisilbing sakit.

Mga negatibong bagay nasa harapan,
gulo sa kaliwat kanan,
hindi ko na mapigilan,
pagkat itoy iyong kalooban.

Tuyot na damo sa parang,
sa problema akoy gumagapang,
tigang na batis,
sa dusay hindi na makaalis.

Paikot-ikot ang buhay,
masasayang memorya,
pagdakay malungkot na pagsalubong,
sakit ng ulo yumabong.

Sa pagkadapa hindi padin makabangon,
hawak padin mga pananaw,
pagkabigo sa lahat ng aspeto,
waring hindi na matuto.

Bigat na bigat yaring kalooban,
problema dito,
suliranin doon,
abang-aba na sa mga tao.

Sa lahat ng ito,
ikaw padin laging nasa isip,
ikaw padin nasa aking kaluluwa,
ikaw ang dahil sa pagpapatuloy.

Tuloy ang buhay,
sa kabila ng pagtatanong,
ikaw padin siyang sagot,
sa aking pagtitiis huwag mawaglit.

Pagbagsak at pagkadapa,
mentalidad na di tama,
pananaw na mali sa paningin,
akong iyong anak ay patawarin.

Hindi ko napagtanto,
na mayroong inilaan at nakalaan,
higit pa sa bagay dito sa mundo,
di pangkaraniwang syang laan.

Isang silid sa langit,
aking namasdan,
isang bagay nakaagaw ng pansin,
doon ko lang naintindihan.

Tunay nga sa mundo,
may pagtitiis na dapat talagang harapin,
ngunit sa kabila nito,
syang lumikha ang dapat unahin at bigyang pansin.

Mga botelya ng luha,
lubos aking kinagalak,
pusoy lumuha ng may galak,
pagkat aking naunawaang gayak.

Sa langit may ipunan ng mga luha,
botelya ng pagtitiis at dalangin,
mga dasal na iniipon,
pag itoy napuno ito na ang umpisa.

UMPISA NA NG PAGPAPALA,
puno na ang botelya,
sapat na at panahon na,
umpisa na ng pagpapalang walang sukat pagkalagyan.

Mga pagpapala sa tamang oras,
hindi masayod ng isipan,
walang salitang maihambing,
nadama sa iyong piling.

Paganyaya sa Pagpapala,
umpisa na ngang talaga,
lahat ng mga tanong,
kusa mong pinakita at pinaunawa.

Lahat ng mga paghihirap,
maging lahat ng pangarap,
nasolusyunan na nga,
habag moy dumating na.

Grasya at habag,
kasaganaan at pagpapala,
narito na sa aking harapan,
magandang buhay nakamtan na.

Akala ko noong una,
mga dalangin hindi pinapakinggan,
ni wala man lang sagot,
dasal na binalewala at nilimot.

Mga pagbagsak ko,
ikaw pala ay kasakasama ko,
mga espekulasyun,
hindi pinabayaan ating relasyon.

Sa aking pag-iisa,
ikaw pala ay kaagapay,
isang kaibigan,
hindi ako pinabayaan o iniwan.

Sa dilim na nakaupo sa sulok,
kamay moy iniaabot,
sa pagkalugmok,
inaalalayan upang makatayo.

Maraming bagay dapat ipagpasalamat,
ngunit winalang bahala,
natingin sa kawalan,
natuon sa sariling kapakanan.

Sa pagkakataon ikaw ay nilimot,
pero ang totoo ikaw ay di nagbago,
panahon ng paglayo ko,
sa aking pagbalik masayang ngiti buhat sayo.

Totoong marami ng pinagdaanan,
bago matutuhan,
bago lubos ipaintindi,
ang pagpapalang sa akiy laan.

Walang pagsidlan aking kagalakan,
sa mga salitang tinanggap,
sa pagmolde sa karakter at katauhan,
patungo sa walang hanggan.

Walang hanggang pasasalamat,
aking alay sayo panginoong Hesus,
sa mga pagpapalang ibinigay at laan,
pupurihin kita habang akoy nabubuhay.

No comments:

Post a Comment